Home NATIONWIDE Ipinasarang beauty clinic pinagsusumite ng memorandum ng DOLE

Ipinasarang beauty clinic pinagsusumite ng memorandum ng DOLE

3
0

MANILA, Philippines – Binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng 10 araw ang The Icon Clinic upang magsumite ng memorandum kaugnay sa mga ulat ng professional malpractice.

Ang DOLE-NCR at Professional Regulation Commission (PRC) naman ay binigyan ng limang araw para magsumite ng ulat sa compliance at credentials ng mga sangkot.

Ang kautusan ng DOLE Central Office ay matapos isagawa ang pagdinig nitong Huwebes, Oktubre 8, kaugnay sa pagpapatigil sa operasyon ng The Icon Clinic matapos makita ang maraming paglabag sa Occupational Safety Health (OSH) standards.

Kabilang sa mga paglabag ang kawalan ng OSH program at HIRAC framework, walang safety personnel, walang 8-hour OSH orientation at kawalan ng polisiya sa mental health, anti-sexual harassment at lactation.

Binigyang-diin ni Labor Secretary Francis Tolentino na delikado ang kawalan ng HIRAC para sa medical equipment at dapat magsilbing babala sa ibang klinika.

Ang aksyong ito ay bunsod din ng isyung binanggit ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Budget briefing kaugnay ng umano’y malpractice ng surgeon ng klinika kabilang ang pagkamatay ng pasyente noong 2017 at Marso 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here