Home OPINION BAHALA NA SI BASTE

BAHALA NA SI BASTE

2
0

PAANO kaya kung magdesisyon si VP Sara Duterte na hindi na tumakbo sa 2028 Presidential derby?

Pero ang tatakbo bilang kahalili niya ay ang nakababatang kapatid na si Davao City Mayor Baste? Sabi nga ng kolum ni katotong Marde Infante sa kanyang column dito rin sa paborito n’yong Remate: Naloko na!

Naloko na dahil panibagong sakit sa ulo ito ng administrasyon. Magiging malaki na naman nilang problema kapag nangyari ito.

Ilang milyon-milyon pang salapi ang kanila na namang wawaldasin para ipanggiba naman kay Baste. Hakhakhak! Aba’y naloko na talaga!

Pilit winawasak si VP Sara sa kung ano-anong alegasyong inilalabas laban sa kanya at sa pamamagitan ng reklamong Impeachment na kasalukuyang nililitis sa Senado, tinatangka na lubusang sirain at tuluyang hindi na makahawak ng anomang posisyon sa gobyerno ang bise-presidente.

Anoman ang kahinatnan ng Impeachment o sa mas malala, manaig ang mga “kampon ni Ulaga” na senator-judges na hatulang guilty si VP Sara, nariyan si Mayor Baste bilang isang opsyon ng “tunay na oposisyon” sa darating na halalang 2028.

Huwag iismolin si Baste dahil ayon sa maraming political analyst, hindi nalalayo ang alkalde ng lungsod ng Davao sa estilo ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hinangaan ng maraming Pilipino.

Sa ngayon ay hindi pa handa si VP Sara na sundin ang payo ng kanyang ina na magbalik na lang siya sa Davao City at hayaan ang kapatid na si Baste na ipagpatuloy ang laban ng pamilya sa pambansang pulitika, dahil nga naman sa mga hindi basta-basta pwedeng iwan na mga laban at mga tungkulin sa Office of the Vice President.

Kagaya sa boksing, labis na hahangaan si VP Sara, dahil kahit siya ay duguan at bugbog-sarado na sa kalaban, referee at judges, nananatili siyang nakatayo, sumusuntok at hindi umaatras sa bakbakan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here