Home OPINION IMBESTIGASYON SA KONGRESO NG NCAP, SUPORTADO NG LCSP

IMBESTIGASYON SA KONGRESO NG NCAP, SUPORTADO NG LCSP

1
0

MAY ilang Kongresista ang nagpanukala na imbestigahan ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program o NCAP ng ilang local government unit sa Metro Manila.

Bakit may NCAP pa ang lokal na pamahalaan samantalang may NCAP nang ipinatutupad ang Metropolitan Manila Development Authority sa pamamagitan ng Unified Traffic Framework na dapat ay MMDA ang mangasiwa ng traffic sa buong National Capital Region?

Ito rin ang pangunahing dahilan kaya dinismis ng Korte Suprema ang petition laban sa mga local ordinance na nagpapatupad ng NCAP dahil naging “moot and academic” na umano ang isyu nang magkaroon na ng UNIFIED TRAFFIC SCHEME ang MMDA.

Pero ayon mismo sa mga petitioner ng kaso, may motion for reconsideration pa pala sila sa Korte Suprema. Kung ganoon, “dapat ay hindi muna nagpatupad ang ilang LGU ng kanilang NCAP.”

Sana sa Kongreso ay maimbestigahan ang mahahalagang isyu kabilang ang papel ng QPAX TRAFFIC SYSTEMS na naging joint venture ng ilang LGU sa pagpapatupad ng NCAP.

Ito rin ba ang sistema?

Ang sabi ng Maynila ay sarili na nila ang mga camera. Pero hindi nila sinabi kung sarili na rin ba nila ang sistema at wala nang papel ang private sector.

Bakit kailangang maimbestigahan ito?

Dahil inamin naman ng ilang mayor na may PORSYENTONG KINIKITA ang private sector sa multang ibinabayad ng mga motorista.

Ito ba ang dahilan kaya mas mataas ang multa sa huli ng NCAP ng LGU?

At bakit pumayag noon ang Land Transportation Office na magkaroon ng access ang isang kompanya para sa pagpapatupad ng NCAP? Isa rin itong mahalagang isyu dahil registered owner ang presumed ng NCAP na driver ng nakunan na sasakyan. May paglabag ba rito sa DATA PRIVACY ACT?

Sabi ng isang mayor, patas daw ang kanilang NCAP. Walang mayaman, walang mahirap pagdating sa pagpapatupad. Pero ang tanong ay kung may kapangyarihan ba kayo sa batas na magpatupad ng NCAP sa Metro Manila?

Hindi tutol ang LCSP sa disiplina. Pero dapat tama ang ahensya, tama ang multa at tama ang paraan ng DISIPLINA.

Kung hindi, dapat lang na ipatigil muna ng LGUs ang pagpapatupad ng NCAP.

================

Atty. Ariel Inton

Founder / President

Lawyers for Commuters Safety and Protection

09178174748

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here