Home OPINION ‘UNEXPLAINED WEALTH’ NI VP SARA MALABO

‘UNEXPLAINED WEALTH’ NI VP SARA MALABO

4
0

HANGGANG ngayon, sa kabila ng mga paratang ng prosekusyon na may P6 bilyong hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte at kung ganoon, eh, mga nakaw na yaman o ill-gotten wealth, hindi pa napatutunayan ito.

Ito’y sa kabila ng pagsalang na ng Anti-Money Laundering Council bilang testigo sa impeachment court, maging ang mga bangko at insurance companies, na sinusubukan ng prosekusyon bilang patunay ng mga paratang nito.

Unang-una sa mga kapansin-pansin sa mga testigo ang kawalan nila ng personal na kaalaman kung may hindi maipaliwanag o nakaw na yaman si VP Sara o pinanggalingan ng mga ito.

Ikalawa, lumitaw ang maling sistema sa pagrerekord ng Bank of the Philippine Islands na P2 milyon lang pala ang laman ng bangko sa halip na P2 bilyon at kay Atty. Mans Carpio pa ito ngunit isinama sa P6B.

Ikatlo, isinama rin sa P6B ang inaplayan nitong mga life insurance sa kanyang mga anak kahit wala pang natatanggap ito dahil wala namang namamatay sa mga ito.

Ikaapat, isinama rin ang sariling deposito sa bangko si Atty. Carpio nang walang kinalaman si VP Sara.

Ikaapat, isinama rin ang sariling pera sa bangko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit walang kinalaman si VP Sara sa kahit anong paglalabas ng sentimo rito.

Ikalima, isinama rin ang mga na-roll-over o paulit-ulit na idineposito at inilabas na iisang halaga sa bangko.

Ikaanim, isinama rin maging ang mga transaksyon umano ni VP Sara noon pang 2005 hanggang Hunyo 2022 kahit hindi sakop ng “impeachable offense” o kasalanan nito nang maging impeachable na si VP Sara mula Hulyo 2022 hanggang sa matapos ang panunungkulan nito sa 2028.

Ikap

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here