Home OPINION NAMUMUONG GIYERA SA EUROPA AT OFWs

NAMUMUONG GIYERA SA EUROPA AT OFWs

2
0

LUMALABAS na may humigit-kumulang sa 235,000 ang matatawag na overseas Filipino workers sa 27 miyembrong bansa ng European Union ngunit halos nasa 900,000 sila lahat, kabilang na ang mga nakapag-asawa at permanente nang naninirahan roon.

Malaki-laking bilang ito, mga Bro.

Tinatalakay natin ito dahil sa namumuong total war sa pagitan ng Russia at Europa bunga ng nagaganap nang apat taong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Namumuo ang giyera dahil ngayong natatalo na ang Ukraine, kumikilos na ang Europa na isalba ito sa pamamagitan ng direkta at opisyal na pakikilahok sa laban.

Bukod pa rito ang akusasyon ng Russia na gusto ng EU na pabagsakin ito at sa kalaunan, sakupin ang ilang bahagi ng Russia at kontrolin ang malalaking yaman nito, kasama na ang mga langis at natural gas.

Kasama sa may plano nito ang United States.

Nais na maulit ng US at EU ang pagbagsak noon ng Union of Soviet Socialist Republics na roon humiwalay sa Russia ang ilang bansang bahagi ng USSR gaya ng Ukraine, Poland, Romania, Czech Republic at iba pa.

Pinakamalaking bansa ang Russia at nais nilang mabubuwag pa ang kabuuan nito para manghina na rin at hindi makapalag sa anomang pagkontrol ng US at EU sa yaman nito.

GIYERANG NUKLEYAR

Nagbabanta ang Russia na kung manganganib ang seguridad nito bilang bansa, gagamit ito ng mga bombang nukleyar at iba pang “weapons of mass destruction” laban sa alinmang bansang EU na kikilos laban dito.

Kabilang sa mga aktibo na sumusuporta sa Ukraine ang Great Britain, France at Germany na hindi tumitigil sa pagsuplay ng armas at pondo para sa una, at natatagpuan pang may mga aktibong sundalo ang tatlon bansa na sangkot sa digmaan.

Ang Great Britain at France, kasama ang US, ang naglalagay o balak maglagay ng bombang nukleyar sa ilang bansang EU na wala nito para gamitin laban sa Russia.

Binuhay na rin ng Russia ang “dead hand” nito o sistemang kung mamamatay man ang mga lider ng Russia sa digmaang nukleyar, awtomatikong mapakakawalan ang mga bombang nukleyar laban sa US at halos lahat ng bansa EU bilang ganti at manggagaling ang mga bombang nukleyar sa Kaliningrad at iba pang bahagi ng Russia.

Hindi imposibleng mangyari ang mga ito.

PAGSALBA SA MGA PINOY/OFW

Sa gitna ng mga kalagayang ganito sa Russia, EU at Ukraine na maaaring ikadamay ng US, naiisip na ba ng ating pamahalaan kung ano-ano ang mga gagawin nito para isalba o ilayo sa kapahamakan, partikular, ang nasa 900,000 Pinoy/OFWs sa EU?

Hindi imposible ang giyera lalo na kung iisiping dalawang beses nang nagkaroon ng malawakan o pangdaigdinga giyera na kapwa nagsimula sa Europa.

Klarong nadamay ang Pilipinas noong World War 2 nang inatake ng Japan ang Pilipinas bilang kaalyado ng Germany at Italy na naunang nagpasimula ng giyera.

Ano-ano na nga ba kahit panimulang hakbang lamang, lalo na ang ating pamahalaan, sakaling sumiklab ang giyera sa Europa na tiyak na ikadadamay na rin ng Pilipinas at iba pang usapan ang pakikisabay ng China laban sa US sa Asya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here