Home NATIONWIDE P81.6M shabu naharang ng PCG, PDEA sa Batangas Port

P81.6M shabu naharang ng PCG, PDEA sa Batangas Port

3
0

MANILA, Philippines – Naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P81.6 milyon sa Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City, nitong Oktubre 7, 2026.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, apat na indibidwal ang naaresto sa joint operation, pawang mga lalaki na may edad 18, 29, 30, at 41, at mga residente ng Malate, Manila, at Maluso, Basilan.

Nakarekober din ang mga awtoridad ng isang sasakyan, isang cellular phone, mga identification card, at ATM cards.

Matapos ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya, itinurn-over ang apat na naarestong indibidwal at mga nakuhang ebidensya sa PDEA para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang PCG sa PDEA upang palakasin ang kampanya laban sa transportasyon ng ilegal na droga sa mga pantalan at rutang pandagat ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here