Home NATIONWIDE VP Sara dumating sa QC Hall of Justice sa arraignment sa reklamong...

VP Sara dumating sa QC Hall of Justice sa arraignment sa reklamong grave threats

5
0
Dumating si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court para sa arraignment ng kanyang kasong grave threats ngayong Biyernes, Oktubre 9. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Dumating si Vice President Sara Duterte ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 9, sa Quezon City Hall of Justice para sa kanyang arraignment sa reklamong grave threats na inihain laban sa kanya.

Ang arraignment ni Duterte ay nakatakda 8:30 ng umaga.

Matatandaan na nireschedule ito ng korte mula Setyembre 11 matapos pagbigyan ang hiling ng kampo para sa postponement.

Naglagay naman ng mga barikada sa paligid ng QC Hall of Justice bago ang arraignment.

Inilagay ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga railings para maiwasan ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa 200-meter radius ng gusali.

Noong Agosto 11 ay naghain ang Department of Justice (DOJ) ng three counts ng grave threat laban kay Duterte kaugnay sa mga pahayag niya sa online press conference noong 2024.

Sa press conference, sinabi ni Duterte na may nakausap na siya para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez kung may mangyayaring masama sa kanya.

Noong Setyembre 4, naglabas naman ang Branch 98 ng Quezon City Regional Trial Court ng warrant of arrest kay Duterte kaugnay nito.

Nakapagpiyansa siya noong Setyembre 5. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here