Pinangunahan ni Sen. Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Sports, ang pagdinig ng komite hinggil sa Proposed Senate Resolution No. 674 na naglalayong magsagawa ng pagsusuri sa partisipasyon ng Pilipinas sa 20th Asian Games bilang bahagi ng proseso ng pagbuo ng batas.Sinabi ni Go na layunin ng resolusyon na suriin ang naging pagganap ng mga atletang Pilipino at palakasin ang suporta ng pamahalaan para sa mga susunod na internasyonal na kompetisyon.