Home METRO Koordinasyon sa kaligtasan sa mga paaralan, pinalakas ng NCRPO

Koordinasyon sa kaligtasan sa mga paaralan, pinalakas ng NCRPO

3
0

QUEZON CITY, Philippines – Isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kauna-unahang Metro Manila School Safety and Security Summit 2026 noong Oktubre 8 upang palakasin ang proteksyon ng mga estudyante, guro at iba pang miyembro ng school community laban sa karahasan at iba pang banta.

Pinangunahan ni NCRPO OIC Brig. Gen. Christopher Abrahano ang summit na may temang “Safe Schools, Secure Communities: Preparing, Preventing and Responding to Active Threats in Metro Manila Schools.”

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila, kasama ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng OCD, DILG, DepEd, DICT, DSWD, DOH, CHR, MMDA, CHED, NAPOLCOM at Anti-Terrorism Council.

Layunin ng summit na bumuo ng mas organisado at koordinadong sistema para sa kaligtasan sa mga paaralan, kabilang ang pagtukoy sa mga posibleng panganib, pagpapalakas ng monitoring at reporting mechanisms, at pagbuo ng mga protocol para sa mabilis na pagtugon sa mga banta.

Tinalakay rin ang mga aral mula sa mga insidente ng karahasan sa paaralan, mga posibleng kahinaan sa seguridad ng mga paaralan sa Metro Manila, at mga panganib na maaaring magmula sa online activities, marahas na content at posibleng radicalization.

Dumalo rin si DILG Secretary Jonvic Remulla, na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga magulang, guro at estudyante sa pagtukoy at pagpigil sa mga banta bago pa mauwi ang mga ito sa aktuwal na karahasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here