Home NATIONWIDE LPA, magdadala ng ulan, thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa

LPA, magdadala ng ulan, thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa

3
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), magdudulot ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang low-pressure area (LPA) sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Marinduque at Romblon hanggang Sabado, Oktubre 10.

Bandang alas-3 ng hapon, namataan ang LPA sa layong 520 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar, sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Mababa pa rin ang posibilidad na maging tropical depression (TD) ito sa susunod na 24 oras.

Ayon sa Pagasa, “It (LPA) is embedded along the intertropical convergence zone (ITCZ), affecting Visayas, Mindanao, and Palawan.”

Namataan din ang isa pang LPA sa layong 2,250 kilometro silangan ng Southeastern Luzon, sa labas ng PAR, ngunit malabong maging TD sa susunod na 24 oras.

Samantala, magdadala ang ITCZ ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, natitirang bahagi ng Visayas at Palawan.

Inaasahan din ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao at Aurora dahil sa hanging amihan. Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga localized thunderstorm hanggang Sabado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here