Home METRO Estudyante timbog sa buy-bust ops sa Pangasinan

Estudyante timbog sa buy-bust ops sa Pangasinan

2
0

PANGASINAN, Philippines – Bumagsak sa kulungan ang isang 20-anyos na lalaking estudyante matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Urbiztondo ng lalawigang ito nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 9.

Ayon sa Urbiztondo Municipal Police Station, ang suspek ay tubong- Pasig City ngunit ngayon ay naninirahan sa bayan ng Urbiztondo.

Bandang alas-7:55 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation na tumagal hanggang alas-8:40 ng gabi.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Urbiztondo MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 2 gramo ang narekober na hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P13,600.

Bukod sa hinihinalang shabu ay may mga nakumpiska rin ang mga awtoridad na mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya doon mismo sa lugar na pinangyarihan ng buy-bust, sa presensya ng suspek at mga mandatory witnesses. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here