Home METRO LRMC magdadagdag ng ticket booth sa LRT-1 PITX station

LRMC magdadagdag ng ticket booth sa LRT-1 PITX station

3
0

PARAÑAQUE, Philippines – Magdadagdag ng ticketing booths at magpapatupad ng iba pang pagpapabuti sa LRT-1 PITX Station ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) upang mabawasan ang mahahabang pila at maibsan ang dami ng mga pasahero tuwing peak hours.

Ayon sa LRMC, maglalagay ito ng mga bagong ticket counter para sa Single Journey Tickets (SJT) at Stored Value Cards (SVC).

Ililipat din sa mas estratehikong lugar ang mga ticket-vending machine at babaguhin ang ayos ng mga turnstile gate upang mapabilis ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero.

Katuwang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation (DOTr), target ng LRMC na ganap na maipatupad ang mga pagpapabuti sa istasyon sa ikaapat na quarter ng taon.

Nagsimula na rin ang pagtatayo ng mga satellite ticket booth at pagpapatupad ng express lane para sa mga gumagamit ng SVC upang mapabilis ang daloy ng mga tao.

Nakikipag-ugnayan din ang LRMC sa pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang mapahusay ang koordinasyon at koneksiyon ng mga pasaherong lumilipat mula bus patungong tren at kabaliktaran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here