Home METRO Sanhi ng maitim na tubig sa OccMin, ‘di oil spill – PCG

Sanhi ng maitim na tubig sa OccMin, ‘di oil spill – PCG

1
0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi oil spill ang sanhi ng maitim na kulay at mabahong amoy ng tubig sa baybayin ng Barangay Talabaan, Mamburao.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang PCG Station Occidental Mindoro, kasama ang Coast Guard Marine Environmental Protection Unit at Coast Guard Sub-Station Mamburao, matapos makatanggap ng mga ulat mula sa publiko.

Sa pagsusuri, nakita ng mga awtoridad na bahagyang nakaharang ang sandbar sa bunganga ng ilog, kaya nalilimitahan ang daloy ng tubig patungo sa dagat. Napansin din ang naipong putik, silt, hindi umaagos na tubig at nabubulok na organikong materyales.

Ayon sa paunang pagsusuri ng PCG, posibleng ang naipong tubig at nabubulok na materyales ang sanhi ng maitim na kulay at mabahong amoy. Maaaring pinalala rin ito ng mainit na panahon at paghina ng daloy ng tubig dahil sa sandbar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here