Home NATIONWIDE DOJ nagsagawa ng preliminary investigation sa kaso ng obstruction of justice ni...

DOJ nagsagawa ng preliminary investigation sa kaso ng obstruction of justice ni Robin

2
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng preliminary investigation ang Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, Oktubre 10, kaugnay sa reklamong obstruction of justice na isinampa laban kay Senador Robin Padilla.

Ang susunod na hearing ay idaraos sa Nobyembre 6, ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez.

Noong Mayo 28, naghain ng reklamong obstruction of justice ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Padilla at iba pa sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa gusali ng Senado.

Nauna nang iginiit ni Padilla na hindi niya tinulungang makatakas si Dela Rosa at nakisakay lamang sa kanya palabas ng gusali ng Senado noong Mayo 14. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here