Home NATIONWIDE Rocket launch ng Long March 12 ng China kinumpirma ng PhilSA

Rocket launch ng Long March 12 ng China kinumpirma ng PhilSA

2
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Sabado, Oktubre 10 ang paglulunsad ng Long March 12 rocket ng China.

Kasabay nito ay ibinabala ang posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket sa Palawan.

Ayon sa PhilSA, ang rocket ay inilunsad 3:28 ng umaga ng Sabado mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, China.

Narinig ang malakas na pagsabog sa Palawan na pinaniniwalaang mula sa sonic boom ng rocket.

Posibleng bumagsak ang rocket components, kabilang ang boosters at fairings, sa designated drop zone 25 nautical miles mula sa Puerto Princesa City at 19 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.

Bagamat hindi inaasahang babagsak ang debris sa kalupaan, nagbabala ang PhilSA na maaari itong magdulot ng panganib sa mga barko, eroplano, bangkang pangisda, at iba pang dumaraan sa drop zone.

Samantala, hinimok ng PhilSA ang publiko na ireport kapag may nakitang hinihinalang rocket debris sa mga awtoridad at huwag itong kukunin o hahawakan dahil sa taglay na toxic substances kabilang ang remnants ng rocket fuel.

“As global launch rates continue to accelerate, debris shed during staging events and the uncontrolled re-entry of large rocket upper stages pose growing hazards — not only to other spacecraft, but to civil aviation and to populations on the ground,” saad sa pahayag ng PhilSA.

“The Philippines invites international partners to explore how our region can develop coordinated protocols and capabilities that protect both our space assets and our people on the ground,” dagdag pa.

Nakuhanan naman ng Naval Command West (NCW) ng Philippine Navy ang pagdaan ng rocket sa Puerto Princesa City. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here