Home HOME BANNER STORY Mans Carpio bilang ‘collateral damage’ sa impeachment ni VP Sara, pinabulaanan ng...

Mans Carpio bilang ‘collateral damage’ sa impeachment ni VP Sara, pinabulaanan ng Palasyo

2
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malakanyang ang sinabi ni Atty. Mans Carpio na siya ang collateral damage sa impeachment trial ng asawang si Vice President Sara Duterte.

“Well, tulungan natin magdasal si Mans Carpio. ‘Yan ang gusto nating lahat ng Pilipino — magdasal para lumabas ang katotohanan kasi maraming nabubulag ngayon,” sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.

Sa event kasi noong Huwebes, sinabi ni Carpio na nagdarasal sila na ang isyung nakapalibot sa kanilang mag-asawa ay matapos na.

“Nagdarasal na lang kami na sana matapos na (We are just praying that it will end soon), God willing,” sinabi ni Carpio.

Ani Castro, sasamahan nila si Carpio sa pananalangin at magdasal sa tunay na Diyos.

“Pero kung magdasal tayo, dapat sa totoong Diyos. Hindi kung sinong diyos-diyosan diyan,” sinabi ni Castro.

Inakusahan ni Carpio ang pamahalaan ng paggamit laban sa kanila at pagkaladkad sa isyu na para bang siya ang na-impeach at nagiging collateral damage.

“Wala sila makita kay Sara kaya parang collateral damage ako,” pagpapatuloy ni Carpio.

Para naman sa Palasyo, sinabi nito na nararapat lamang sa mamamayan na makuha ang full transparency sa lahat pamamagitan ng lahat ng mga ebidensya.

“Dahil sa panahon ni Pangulo Marcos Jr., hindi ginagawa ang pag-cover-up. walang sinisino. Sabi nga natin, kamag-anak, kaibigan, kaalyado, kung may makikitang ebidensya laban sa kanila patungkol sa anomalya, dapat itong imbestigahan,” ani Castro.

“So kung may nadadamay lamang, sinasabi nila, malamang ay may ebidensya so kung wala namang ebidensya malilinis naman nila ang kanila mga pangalan,” dagdag pa niya.

Sa ika-37 araw ng impeachment trial ni Duterte, tumestigo ang prosecution witness na nakitaan umano ang mag-asawang Duterte ng unexplained wealth at undeclared assets na nagkakahalaga ng P817.87 milyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here