Home NATIONWIDE VP Sara, Carpio kinwestyon sa P208M benta ng Cale88 pero may pumasok...

VP Sara, Carpio kinwestyon sa P208M benta ng Cale88 pero may pumasok na P776M

1
0

MANILA, Philippines – Idineklara ni Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio na bumenta ng P208 milyon ang CALE88 Food Corporations ngunit, umabot sa P776 milyon ang pumasok na pera sa kompanya, natuklasan sa impeachment trial.

Ipinagtataka ito ng ilang senador matapos matuklasan sa testimonya ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa tax records ng mag-asawang Duterte at Carpio kabilang ang benta ng kanilang kompanya, cash holdings at sahod ng bise presidente.

Natuklasan sa testimonya ni BIR Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez na kumita ang CALE88, ang kompanyang hinihinalang tumanggap ng pondo mula sa China, ng halagang P208 milyon pero may pumasok na P776 milyon sa bank account nito.

Sa kanyang interjection nitong Biyernes sa impeachment trial ni Duterte, tinanong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang BIR kung bakit masyadong malaki ang agwat ng ideneklarang benta at financial inflow ng CALE88.

Binigyang-pansin ng mga senador-hukom nitong Biyernes, Oktubre 9, 2026, ang mga pagkakaiba sa naiulat na benta, cash holdings, at compensation nina Duterte at Carpio ang kanilang kompanyang CALE88 Foods Corp. sa gitna ng impeachment trial.

Naunang ibinulgar ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may pumasok na P776 milyon sa CALE88 kaya na-isyuhan ng Letter of Authority (LOA) ang mag-asawang Duterte at Carpio sa pagkakaiba.

“If this is the scenario, is CALE88 a candidate for a letter of authority from the BIR?” tanong ni Gatchalian.

Tugon ni Garcia-Marquez, na-issue na ang Letter of Authority (LOA) para sa CALE88 at dapat idineklara sa audited financial statements ng kompanya ang lahat ng cash inflows.

Binanggit naman ni Senator-judge Kiko Pangilinan ang pagkakaiba sa cash holdings nina VP Duterte at Carpio sa kanilang annual income tax returns kumpara sa SALN.

Base sa BIR records, ito ang cash on hand at in banks ng mag-asawa: P21.23 milyon noong 2022, P28.97 milyon noong 2023, P15.53 milyon noong 2024, at P13.80 milyon noong 2025.

“In their annual income tax returns, they declared cash on hand, but in their SALNs, the witnesses did not declare cash on hand. Instead, they listed liquid assets and other miscellaneous assets. Even the amounts they declared there were smaller than the cash on hand reported in their financial statements. Would that be a concern for the BIR, at least on the face of it?” ani Pangilinan.

Sagot ni Garcia-Marquez, ang mga discrepancies na hindi maipaliwanag o hindi mapatunayan ay maaaring ituring na income at maaaring magresulta sa deficiency tax assessments.

Tinanong din ni Senator-judge Erwin Tulfo kung may paglabag sa batas ang tinanggap na compensation ni VP Duterte mula sa Davao City noong 2023 habang nanunungkulan na siya bilang bise presidente.

“We will examine that during the audit. After the audit, we will determine whether there has indeed been a violation. But as of now, Your Honor, what I know is that she received such compensation in 2023,” sabi ni Garcia-Marquez.

Tinanong din ni Tulfo kung may iba pang pinagkukunan ng kita ang CALE88 bukod sa exports. Ayon kay Garcia-Marquez, manufacturing at export ng banana chips ang negosyo ng kumpanya, at wala siyang nakitang ibang impormasyon sa records tungkol sa iba pang income sources nito.

Sa kabuuan, sinabi ng BIR na ang mga nabanggit na isyu — kabilang ang LOA para sa CALE88 at ang ongoing audit kina Duterte at Carpio — ay bahagi ng masusing pagsusuri kung may paglabag sa tax laws. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here