Home HOME BANNER STORY OCD: Ashfall, sulfuric odor naitala kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

OCD: Ashfall, sulfuric odor naitala kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

3
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng sulfuric odor at ashfall ang ilang komunidad sa Negros Island Region kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon nitong Sabado, Oktubre 10, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Naunang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagputok ng bulkan bandang 12:30 ng hapon at tumagal ng hanggang 12:48 ng hapon.

Nagresulta ang pagputok sa volcanic plume na umabot ng lima hanggang anim na kilometro ang taas sa summit crater at tinangay sa north-northeast na direksyon.

Sinabi ng OCD na nakaranas ang Bago City ng visible volcanic cloud, booming sounds at pag-alog ng lupa bagamat walang ashfall o sulfuric odor na naitala.

Sa San Carlos City naman ay naitala rin ang sulfuric odor sa mataas na bahagi ng Barangay Codcod, bagamat walang naitalang ashfall.

Nakarinig din ang mga residente ng La Carlota City ng rumbling sounds, habang may naitalang ashfall at sulfuric odor sa Sitio Guintubdan, Barangay Ara-al.

Nagkaroon din ng ashfall sa Barangay Igmayaan at Kumaliskis sa Don Salvador Benedicto.

“These preliminary reports are being validated in coordination with the concerned local government units (LGUs),” ayon sa OCD.

Nananatili ang Alert Level 2 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here