Home NATIONWIDE Jensen Huang balik bilang Nvidia CEO

Jensen Huang balik bilang Nvidia CEO

2
0

NEW YORK, United States – Muling itinalaga bilang chief executive officer (CEO) ng technology giant Nvidia si Jensen Huang matapos baligtarin ng board of directors ang nauna nitong desisyon na tanggapin ang kanyang pagbibitiw, kasunod ng pakikialam umano ni US President Donald Trump.

Epektibo kaagad ang pagbabalik ni Huang bilang pangulo, CEO at miyembro ng board of directors matapos bumoto nang nagkakaisa ang mga direktor ng kompanya noong Lunes, Nobyembre 23.

Kinumpirma ng Nvidia na nakipagpulong at nagsagawa ng serye ng talakayan ang board kay Huang bago magpasya na ibalik siya sa puwesto. Nakatanggap din umano ang mga direktor ng impormasyon mula sa matataas na opisyal ng gobyerno ng US na nagbigay sa kanila ng kumpiyansang hindi banta sa pambansang seguridad ang pagbabalik ng CEO. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here