MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga awtoridad ang nawawalang kolekto ng pautang na nakalibing na sa taniman ng pinya sa Wao, Lanao del Sur noong Biyernes ng hapon, Oktubre 9.
Kinilala ni Capt. Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), ang biktima na si Marvin Muñez Daumar, 36, kolektor ng JDS Lending Co. at residente ng Barangay Batangan, Valencia City, Bukidnon.
Ani Salanguit, narekober ng pulisya ang katawan ni Daumar sa Barnaby Buntongan, Wao, matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa hinihinalang bangkay na nadiskubre ng mga residente.
Noong Oktubre 5, iniulat ng kapatid ng biktima na si Dominic sa Wao municipal police station na nawawala si Daumar.
Huli siyang nakita na nangongolekta ng mga utang ng mga kliyente ng lending company.
Si Daumar ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha at dibdib.
Ang katawan nito ay inilibing isang metro ang lalim sa plantasyon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakarinig ang mga residente ng tatlong putok ng baril noong ala-1 ng hapon ng Oktubre 5 sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.
Dinala sa Valencia City ang bangkay ng biktima para makuha ng pamilya nito.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC