MANILA, Philippines – Uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ), easterlies at northeasterly windflow.
Ayon sa PAGASA, ngayong Linggo, Oktubre 11, ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ ang Mindanao, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region.
Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan din ang mararanasan sa Batanes dahil sa Northeasterly Windflow.
Easterlies naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa ITCZ, habang localized thunderstorm ang magdadala ng kaparehong panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon. RNT/JGC