MANILA, Philippines – PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinasabing pagiging agresibo di umano ng Pilipinas sa pagharap at paghawak ng usapin nito sa Tsina sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ani Pangulong Marcos, ipinagtatanggol lamang ng bansa ang teritoryo at sovereign rights nito.
“We have never been aggressive in any way whatsoever,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam sa The Straits Times habang siya ay nasa kanyang five-day working visit sa Singapore.
Giit ng Pangulo, ini-exercise lamang ng Pilipinas ang karapatan nito at pinoprotektahan ang teritoryo, tinanggihan ang suhestiyon na ang aksyon nito ay nakapag-ambag sa tensyon sa pinagtatalunang katubigan.
“To say aggressive, aggressive is to go out and initiate some kind of conflict. We have never done that. We are there, we are sitting in our country, and all we do is defend our rights, defend our territory,” ayon sa Pangulo.
Matatandaang, noong 12 Hulyo 2016, nagtagumpay ang Pilipinas sa makasaysayang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina kaugnay sa mga karapatan sa West Philippine Sea.
“The Philippines lodged 296 diplomatic protests against China from 2022 to 2026, including 39 so far this year,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“So no, we have not been aggressive at all. We have been the point at which aggression is felt (more) than (in) any other country in the region. So I can assure you the aggression does not come from the Philippines,” ang tinuran ng Pangulo.
Ipinahayag ito ng Pangulo sa gitna ng nagpapatuloy na ulat ng pangha-harass ng Tsina sa Philippine vessels sa West Philippine Sea.
Sa kabila ng tensyon, bukas naman ang Pangulo na isulong ang joint oil exploration sa Tsina, iyon nga lamang kailangan na ang dalawang bansa ay pumayag sa commercial arrangements nang hindi nakokompromiso ang kani-kanilang posisyon sa territorial disputes.
At nang tanungin ang Pangulo kung handa ang Pilipinas na isagawa ang joint oil exploration kasama ang Beijing, ang tugon ni Pangulong Marcos ay: “Yes, I absolutely do. I don’t see why we cannot do that.”
“It is something that I think both countries would like to pursue and I think that if we keep it at a purely commercial level and do not enter into territorial conflicts and a resolution of who owns what and who belongs where, what law will apply,” anito.
“So long as we can come to an agreement on that and I don’t see why we should not be able to have that partnership,” dagdag na pahayag ng Pangulo. KRIS JOSE