Home NATIONWIDE 6 pamilya nawalan ng kabuhayan sa sunog sa Cavite; isa sugatan

6 pamilya nawalan ng kabuhayan sa sunog sa Cavite; isa sugatan

1
0

MANILA, Philippines – Naabo at nawalan ng bahay ang anim na pamilya at ikinasugat ng isang lalaki makaraang sumiklab ang isang sunog sa Carmona City, Cavite.

Ayon sa report, bandang alas-7:28 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy Cabilang Baybay ng nasabing lungsod.

Dahil sa hindi gaanong konkreto ang kabahayan, mabilis ang paglagablab ng apoy at nadamay ang apat na kabahayan rito.

Kasalukuyang nasa evacuation area ng nasabing barangay ang mga pamilya biktima ng nasabing sunog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang malaman ang pinagmulan ng sunog. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here