MANILA, Philippines – KAILANGANG ipaliwanag ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan kung bakit tinanggihan, naantala at bahagyang nabago ang mga regional development project sa ilalim ng bagong guidelines para sa paghahanda sa panukalang 2028 national budget, isang hakbang na naglalayong gawing mas transparent at responsive ang spending decisions sa lokal na pangangailangan.
Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na sa pamamagitan ng bagong patakaran, oobligahin ang mga ahensiya na mag-report kung paano nila ikokonsidera ang mga panukala mula sa regional development councils (RDCs), local government units at iba pang stakeholders bago itakda ang kanilang budget priorities.
Ang mga alituntunin, sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 1, series of 2026, nilagdaan ng DBM at Department of Economy, Planning, and Development on Oct. 8, pinahihintulutan ang regional consultations ng dalawa hanggang tatlong buwan bago ang National Budget Call, kadalasan ay inilalabas ng Disyembre o Enero.
Ang maagang kasunduan ay naglalayon na bigyan ang local proposals ng pagkakataon na makonsidera habang ang mga ahensiya ay hindi pa nakapagdedesisyon kung anong proyekto ang popondohan.
Gayunman, ang inendorso ng RDC o iba pang stakeholders ay hindi magagarantiya na magpopondo sa panukalang programs, activities and projects (PAPs).
“Regional voices must be heard before budget decisions are made—not after,” ang sinabi ni Budget Secretary Kim Robert de Leon.
“Our RDCs, LGUs, and regional stakeholders are closest to the realities on the ground. You know where the gaps are,” dagdag na pahayag ni de Leon.
Winika ng DBM na ang mga lokal na institusyon ay madalas na mas mabuti para matukoy ang kagyat na pangangailangan kabilang na ang mga silid -aralan, mga ospital, lansangan, agricultural support at iba pang mahalagang serbisyo.
Sa ulat, simula Oct. 13, magsisimula na ang mga ahensiya na magtakda ng prayoridad para sa kanilang 2028 budget proposals, kasunod n g regional consultations, RDC review and prioritization, at pagpapatatag sa agency level.
Sinasabing, kailangang umabot ang regional proposals sa central offices ng ahensiya ng hanggang Disyembre 18. Bago pa isumite ang kanilang budget proposals sa DBM, kailangang makompleto ng mga ahensiya ang report ng pinagsama-sama at prayoridad na mga proyekto.
Kailangan nilang ipaalam sa RDCs at regional offices kung ang panukalang proyekto ay ‘included, adjusted, deferred or otherwise addressed,’ at magbigay ng mga paliwanag kung naaangkop.
“Agencies will retain the final say, taking into account development goals, available funds, project readiness and budget rules,” ayon sa departamento.
“The objective is not to promise funding for every proposed project, but to ensure that regional needs receive timely, serious, and transparent consideration,” ang sinabi ng DBM.
Samantala, saklaw ng circular ang national departments, mga ahensiya, state universities and colleges, at iba pang government bodies na pinondohan sa pamamagitan ng national budget. hindi naman kasama ang personnel costs, mandatory obligations, routine operating expenses at mga proyekto na “not subject to regional prioritization.” KRIS JOSE