Home OPINION IISANG BATAS, IISANG PAMANTAYAN BA?

IISANG BATAS, IISANG PAMANTAYAN BA?

1
0

SUBUKAN mong magkaroon ng problema sa isang government document. Isang maling letra sa pangalan, isang kulang na requirement, isang declaration na hindi tugma—ikaw ang mag-aayos.

Sasabihin, bumalik ka bukas, kumuha ka ng affidavit, magdala ka ng supporting document, patunayan mo.

Ganyan ang gobyerno at sa maraming pagkakataon, tama naman. May records dahil kailangang may accountability. Pero dito nasusukat kung tunay na patas ang isang sistema:

Pareho ba ang higpit kapag ang kailangang magpaliwanag ay hindi ordinaryong Pilipino, kundi isang taong malapit sa kapangyarihan?

May travel-history records ngayon na naglalaman ng isang interesting detail.

Document No. 1259254. Country of issuance: Malta. Makikita rito ang serye ng U.S. arrivals at departures na umaabot-pabalik sa 2016. Ang dokumentong ito ay iniuugnay kay Monica Prieto-Teodoro.

At mahalaga ang susunod na detalye. Hindi lamang siya asawa ng isang Cabinet secretary. Si Monica mismo ay naging public official at presidential appointee. Nagsilbi siyang Special Envoy of the President to UNICEF at may official Philippine record ng kanyang pagrepresenta sa bansa sa United Nations sa New York noong 2018.

Kaya hindi ang tanong kung masama bang magkaroon ng foreign passport? Hindi rin dapat gawing kasalanan ang pagiging dual citizen nang walang pagsusuri sa eksaktong batas at circumstances.

Mas simple ang tanong. Ano ang kailangang i-disclose ng isang presidential appointee tungkol sa kanyang foreign citizenship?

At ginawa ba iyon? Kung properly declared ang lahat, napakadaling linawin. Kung walang requirement na mag-renounce, sabihin kung bakit. Kung alam ng Malacañang at Department of Foreign Affairs, sabihin. Kung may dokumento, ilabas.

Hindi dapat maging offensive ang paghingi ng proof sa isang public official. Iyan mismo ang hinihingi ng gobyerno sa mamamayan araw-araw.

Heto ang mas interesante dahil hindi estranghero sa foreign-citizenship controversy ang pamilyang Teodoro.

Noong 2025, kinumpirma ng Department of National Defense na nagkaroon ng Maltese citizenship si Defense Secretary Gibo Teodoro. Pero sinabi nitong isinuko at ni-renounce niya iyon bago ang 2022 elections at na-disclose sa mga kaukulang ahensya.

Kung ganoon nga ang proseso kay Gibo, ano naman ang naging paraan kay Monica? Hindi dapat pulitika ang maging sagot. Dokumento ang kailangan.

Dahil kung isang bagay ang dapat pareho para sa nasa pila sa city hall at sa taong nakaupo sa tabi ng kapangyarihan, iyon ay ito: Kapag tinanong kung sumunod ka sa patakaran, patunayan mo. Kung iisa ang batas, dapat kaya rin patunayang iisa an

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here