Home NATIONWIDE Obispo nanawagan ng panalangin sa operasyon ni Pope Leo

Obispo nanawagan ng panalangin sa operasyon ni Pope Leo

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Diocese ng Calbayog sa publiko na ipagdasal ang matagumpay na operasyon at mabilis na paggaling ni Pope Leo XIV, na sasailalim sa operasyon para alisin ang nodule sa kanyang baga.

“Let us unite in prayer for Pope Leo XIV, who has announced that he will undergo surgery in the coming days to remove a small, localized nodule in his lung, discovered during recent medical examinations. The nodule was detected at a very early stage, and the Holy Father has decided to follow his doctors’ recommendation for surgical removal,” ayon sa diyosesis na pinamumunuan ni Bishop Isabelo Abarquez.

“May the Lord guide the hands of his doctors, grant him a successful surgery, and bless him with strength, healing, and a speedy recovery.”

Una nang iniulat na inihayag ni Pope Leo na nakakita ang mga doktor ng maliit na bukol sa kanyang baga sa isang kamakailang health check at sasailalim siya sa operasyon ngayong linggo para alisin ito, sa kauna-unahang health scare ng 71-anyos na Santo Papa sa kanyang panunungkulan.

Sinabi ng Santo Papa sa mga pilgrim sa St. Peter’s Square para sa kanyang lingguhang Sunday prayer na ang bukol ay “well-contained” at maagang natuklasan. Hindi sinabi ng Vatican kung pinaniniwalaang malignant ang nodule.

Sa Calbayog, tiniyak nila sa Santo Papa ang kanilang mga panalangin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here