Home NATIONWIDE Mga magsasaka sa Candon Ciy tumanggap ng 20 litrong emergency diesel subsidy

Mga magsasaka sa Candon Ciy tumanggap ng 20 litrong emergency diesel subsidy

1
0

ILOCOS SUR-Nagpaabot ng agarang suporta sa mga local rice farmers sa lungsod ng Candon ang City Government sa pamamagitan ng pamamahagi ng fuel subsidy assistance upang paghandaan at mapagaan ang epekto ng banta ng El Niño.

Bawat kwalipikadong magsasaka ay tumanggap ng 20 litrong diesel fuel ngayong buwan ng Oktubre.

Pinangunahan ni Sangguniang Panglunsod Member George Valdez at City Agriculturist Eric Gacutan ang ginanap na ceremonial distribution.

Layunin ng nasabing ayuda na maipagpatuloy ng mga magsasaka ang papagpapatakbo ng kanilang mga kagamitan pangkabuhayan tulad ng water pumps at iba pang makinarya sa gitna ng panahon ng tagtuyot para hindi mapabayaan at matuyot ang kanilang mga pananim.

Sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Eric D. Singson at City Vice Mayor Atty. Kristelle Singson, kasama ang mga City Councilor, titiyakin nila na magpapatuloy ang kanilang mga iba’t ibang programa at inisyatibo upang mapangalagaan ang kabuhayan ng mga magsasaka at maitaguyod ang sapat na ani o supply ng pagkain sa lungsod. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here