Home METRO Babaeng singer, utas sa hit & run

Babaeng singer, utas sa hit & run

2
0

ILOCOS SUR- Hindi nakaligtas sa kamatayan ang isang 56-anyos na babaeng singer dahil sa aksidente sa kalsada sa Brgy. Panay Norte, Magsingal ng lalawigang ito nitong bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng Linggo, Oktubre 11.

Ayon sa Magsingal MPS, ang biktima ay residente ng Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na self-vehicular accident ang nangyari ngunit matapos ang isinagawa nilang follow-up investigation ay natuklasan nilang biktima ito ng hit-and-run.

Galing umano sa isang kasiyahan sa Ilocos Norte ang biktima dahil kumanta roon at nang pauwi na itong nakasakay sa kanyang motorsiklo, isang sasakyan ang hinihinalang nakasagi o nakabangga sa biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Nabatid na hawak na ng Magsingal MPS ang driver ng sasakyan na umano’y nakabangga sa biktima.

Ang biktima ay kilala sa husay at ganda ng boses nito sa pagkanta. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here