Home NATIONWIDE Padilla, kinastigo sa pagsasabing may ‘disregard for law’ sa impeachment trial

Padilla, kinastigo sa pagsasabing may ‘disregard for law’ sa impeachment trial

1
0

MANILA, Philippines – Tila kinastigo ni Senator-judge Panfilo Lacson si Senator-judge Robin Padilla sa pagsasabi niya na may ‘disregard of law” sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte saka nagpahiwatig na hindi sila dadalo sa susunod na paglilitis.

Sa pahayag sinabi ni Lacson na dapat linawin ni Padilla kung sino ang tinutukoy niya nang sabihin niyang may “disregard for law” sa impeachment proceedings, nitong Lunes, Oktubre 12.

Ayon kay Lacson, maaaring ituring na direktang pag-atake sa integridad ng buong impeachment court ang pahayag ni Padilla kung ang naturang lupon, na miyembro rin siya, ang tinutukoy nito.

“I don’t know what Sen. Padilla meant by ‘disregard for law’ or if he was referring to the entire impeachment court na member din naman siya. If so, hindi kaya maituturing na direct assault sa integridad ng korte ang mga bibitiwan niyang pananalita?” aniya.

Sinabi rin ni Lacson na kung ilang senador-huwes lamang ang tinutukoy ni Padilla sa kanyang pahayag na “disregard for law,” makatarungan lamang na pangalanan niya ang mga ito.

“Marapat lamang na liwanagin niya kung buong impeachment court ba ang tinutukoy niya sa ‘disregard for law’ or ilang myembro lang. Kung ang huli, sana pangalanan niya,” dagdag niya.

Sa isang panayam sa radyo nitong Linggo, sinabi ni Padilla na maaari silang lumiban sa impeachment trial kasama ang kanyang mga kaalyado kung may “disregard for the law.”

Binanggit niya ang umano’y maraming nakakagulat na pangyayari at sinabing kung magpapatuloy ang pagbaluktot sa batas, “baka dumating na punto na hindi na kami umattend.”

Nauna nang naghain sina Padilla, Senator Christopher “Bong” Go, at ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng petisyon sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang pasya ng Senate impeachment court hinggil sa voting threshold. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here