Home ENTERTAINMENT Comment section ng IG ni Gelli, naka-off, umiwas sa bashing!

Comment section ng IG ni Gelli, naka-off, umiwas sa bashing!

1
0

Manila, Philippines – Para iwas nga naman sa kaliwa’t kanang pamba-bash, minabuti ni Gelli de Belen na i-off ang comment section ng kanyang Instagram account.

Bunsod ito ng naging stand ni Gelli nang maimbitahang mag-guest sa programang Chika Cart.

Natanong kasi ang aktres hinggil sa kanyang opinyon sa isyung sangkot ang dating magkarelasyong sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Gelli’s major concern ay kapakanan ng mga batang nakakaladkad sa isyu.

This resulted in the actress’ getting unfairly bashed–to think na nasa programa lang siya to promote a movie.

Kaso’y ang naging persepsyon ng tao, kumikiling siya kay Patrick.

Ito din ang dating ng pahayag ni Gelli kay Dennis Trillo.

Ayon din sa mga netizens: “Your comments came across as very one-sided.”

“I honestly expected a more balanced and thoughtful opinion from someone with your

experience.”

Kung lilimiin, marami din ang nagsasabing there was nothing wrong with Gelli’s take–this as far as her producer Bambbi Fuentes and elder sis Janice de Belen are concerned.

Pero para matigil na nga’t humupa ang isyu’y umiwas na si Gelli when sighted at a recent showbiz event.

Hindi nga tinapos ng aktres ang special screening ng pelikulang kasali siya.

At presstime, nananatiling naka-off ang comment section ng kanyang IG account.

Gelli’s bashers, happy na kayo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here