Home ENTERTAINMENT Willie, bibida sa 2 pelikula ng GMA!

Willie, bibida sa 2 pelikula ng GMA!

1
0

Manila, Philippines – Wala pang pinal na pinag-usapan sa pakikipagmiting ni Willie Revillame sa GMA executive na si Atty. Anette Gozon-Valdes at Mavx Productions producer na si Erwin Blanco.

Ang pagkikita ng mga nabanggit took place over dinner at a resto.

Bukod kina Valdes at Blanco, may kasama pa sa miting with Willie.

A photo shows the TV host surrounded by two of them na may caption na: “Coming soon Wilyonaryo.”

“Exploratory” daw ang nasabing miting.

Pero ilan sa nasa agenda nito’y ang collab ng GMA Pictures at Mavx para sa pelikulang gagawin ni Willie.

Two movies ang nasa lineup–isang drama at isang comedy.

Bet daw ni Willie ang ipinitch na drama to be directed by Erwin.

Sa maugong na tsikang may plano si Willie na tumakbo uli sa pulitika come 2028 ay hindi daw na-tackle.

Balita kasing tatakbong mayor ng Quezon City ang TV host.

May tsika din kasi tungkol sa comeback movie ni Willie na ilalahok next year sa MMFF.

But none of this was likewise taken up during the said meeting.

Sa ngayon, abangers kung ano ang pasabog ni Willie. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here