Home NATIONWIDE A Transparent Government Is a Strong Government.. An Informed Nation Is a...

A Transparent Government Is a Strong Government.. An Informed Nation Is a Strong Nation.

4
0
"Our people can only truly participate in governance if they have access to information. This access is made possible by government transparency, digitalization, and the institutionalization of freedom of information through legislation. "-PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. 2025 Open Government Partnership: Asia and the Pacific Regional Meeting/06 February 2025

Nang ibahagi ni Pangulong Marcos ang pananaw na ito sa 2025 Open Government Partnership: Asia and the Pacific Regional Meeting, ipinaalala niya ang isang katotohanan mas masigla ang demokrasya kung bukas at walang itinatago ang gobyerno.

Hindi luho ang karapatan sa impormasyon. Haligi ito nang tapat na gobyerno at mamamayang may boses. Susi ito sa pakikilahok ng bawat mamamayan.

Sa pagiging bukas ng gobyerno, at sa tulong ng digital technology, nabubuwag ang hadlang sa pagitan ng mamayan at pamahalaan. Kung may access sa impormasyon ang mamamayan, nagiging katuwang sila sa pagtatayo ng bansa.

Kung nasusuri ng taong-bayan ang pera, kontrata, proyekto at mga desisyon ng gobyerno, nababantayan nila ang pondo at lumalaki ang kanilang tiwala. At sa tulong ng digital technology, hindi na nila kailangang bumiyahe, sumulat, o maghintay nang matagal para sa isang tanong o transaksyon.

Kaya pangunahing isinusulong ni Pangulong Marcos ang panukalang Right to Information law para matiyak natin ang gobyerno tapat — at kinabukasan kung saan likas ang pagtitiwala at nakikinabang ang lahat sa pag-unlad ng bansa.

Dahil ang isang pamahalaang bukas ay matatag. Ang mamamayang may kaalaman ay bansang matatag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here