Manila, Philippines – Nagbigay ng reaksyon at saloobin si Candy Pangilinan tungkol sa isyu ng dating magdyowang sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
“Bilang may anak din naman akong special na neurodivergent, para siguro maayos ang lahat, bago siguro siya nagsalita sa maraming tao, e, pinuntahan na muna niya (Patrick Garcia) si Jennylyn at inayos na niya ito nang tahimik,” simulang pahayag ng komedyana.
Ang tinutukoy ni Candy na anak ay si Quentin na na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at autism spectrum disorder (ASD).
Ang anak naman nina Patrick at Jen na si Jazz ay may ganoon ding kondisyon.
Inamin ni Candy na may pagkakataong napag-usapan din nila ni Jennylyn ang tungkol sa kondisyon ng kanilang mga anak.
Ngunit hindi naman daw nila napag-usapan ang tungkol kay Patrick, “Wala kaming ganu’ng eksena ni Jen. Hindi kami umabot sa ganu’n.”
Bago ito, nauna nang nagkomento ang kaibigan ni Candy na si Gelli de Belen hinggil sa isyu na agad namang niresbakan ni Dennis Trillo.
Talagang nakipagbardagulan si Dennis kay Gelli dahil naniniwala siyang obligasyon niya bilang tatay na protektahan ang kanyang pamilya. Rommel Placente