Home ENTERTAINMENT Brent, nilaglag ang aktres na nagpakita ng motibo!

Brent, nilaglag ang aktres na nagpakita ng motibo!

1
0

Manila, Philippines – Grabe ang aliw factor ng guesting ng PBB boys sa talk show ni Vice Ganda kamakailan.

Naurot ni Meme si Brent Manalo kung naka-ilang girlfriend na ito.

Ayon sa aktor turned TV host, nakadalawa na raw siyang dyowa.

Sinabi niyang nagkaroon siya ng dalawang seryosong relasyon na ang isa ay tumagal ng tatlong taon at isa naman ay nag-last ng humigit-kumulang na isa’t kalahating taon.

Binuking din ni Meme na pinapantasya ng co-host sa kanilang noontime show si Anne Curtis na hindi naman ikinaila ng dating PBB housemate.

Sey pa niya, crush daw talaga niya si Anne kahit noon pa.

Nausisa rin siya ni Meme tungkol sa isang aktres na diumano’y nag-DM sa kanya at nagparamdam.

Ayon kay Brent, gumanap daw itong isang super hero.

Nagbigay pa siya ng clue na young pa ito.

Gayunpaman, hindi na raw niya nakuhang sumagot sa mensahe nito dahil late na niya itong nakita.

Ang siste, kapag nakikita raw niya si girl ay dedma o tila nagmamaasim na ito sa kanya.

Hirit pa ni Brent, marahil daw ay hindi na maalala ng aktres ang ginawa nito.

Hindi naman nilubayan ng pagtatanong ni Vice si Brent.

Dagdag pa ni Brent, hot and sexy daw ang gurl na nagpalipad-hangin sa kanya.

Hindi naman makumpirma ng dating PBB housemate kung retokada ito.

Dugtong pa ng TV host, tila hindi na raw aktibo ang nasabing aktres.

Hirit pa niya, taong 2019 daw nangyari ang lahat. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here