Home NATIONWIDE Kelot binaril-patay ng kaibigang kainumanNATIONWIDETOP STORIES Kelot binaril-patay ng kaibigang kainumanNovember 25, 2026 12:2410 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kaibigan nitong kainuman sa Barangay Sandalan, Ibaan, Batangas.Ayon kay Ibaan police chief PMaj. John Leo P. Cuasay, nangyari ang pamamaril alas-2 ng hapon noong Lunes, Nobyembre 23.Idineklarang dead on the spot ang biktima, habang nagtamo naman ng tama ng bala sa braso ang kasamahan din nito sa inuman.Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na nagkaroon ng mainitang argumento sa pagitan ng biktima at suspek habang sila ay nag-iinuman.Umuwi ang suspek para kunin ang kalibre .45 na pistola at nang bumalik ay binaril na ang kaibigan nito.Tumakas naman ang suspek sakay ng motorsiklo.Hindi pa naaaresto ng pulisya ang suspek. RNT/JGC