Home NATIONWIDE Drayber na pumatay sa kapitbahay sa Cavite tinutugis na

Drayber na pumatay sa kapitbahay sa Cavite tinutugis na

1
0

MANILA, Philippines – Isang 41-anyos na driver ang kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya makaraang ituro na responsable sa pagpatay sa isang magsasaka sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Robert, 65, may-asawa, magsasaka ng Summer Homes South Ville Phase 5, Brgy Cabuco ng nasabing lugar dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Pinaghahanap naman ng suspek na si alyas Mervin na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:45 ng gabi ay nag-aayos ng kanyang motorsiklo ang biktima sa tapat ng kanyang tahanan nang dumating ang suspek at dito kaagad na binaril na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na matagal nang may alitan ang dalawa. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here