Home HOME BANNER STORY Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Oktubre

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Oktubre

1
0

MANILA, Philippines – Asahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Oktubre dahil sa pagtaas ng generation cost.

Ayon sa Meralco, tataas ng P0.32 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente. Dahil dito, inaasahan ang dagdag na gastos na P64 para sa konsumo na 200 kWh, P96 sa 300 kWh, P128 sa 400 kWh, at P160 sa 500 kWh.

Hindi pa kasama sa kalkulasyong ito ang P2.6 bilyong refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ang P1.48 dagdag sa distribution charge na inaprubahan ng mga regulator. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here