Home ENTERTAINMENT Boss Toyo, iniskor ang jersey ni Rene sa halagang P25M?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Boss Toyo, iniskor ang jersey ni Rene sa halagang P25M?October 14, 2026 12:5020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nagsadya ang ina ng pumanaw na Ateneo Blue Eagles cager na si Rene Baterbonia sa shop ni Boss Toyo dala ang jersey nito.Ang jersey na dala ni Ginang Rovelyn ay gamit ng anak noong nasa senior high school pa ito.Kumalat kasi ang tsikang interesadong bilhin ‘yon ni Boss Toyo sa halagang P25 million.Sa latest episode ng Pinoy Pawn Stars, makikita ang pagkikita at tsikahan nina Boss Toyo at Rovelyn kasama ang asawang si Rene Sr.Anang ina, may nagtanong daw kasi sa kanya if it’s true that she’s selling her son’s jersey.Sabi naman ni Boss Toyo, hangga’t maaari daw ay tumahimik lang siya nang kumalat ang tsismis.Aware daw ang negosyante na hindi ‘yun ang tamang panahon para sagutin ang isyu.Paglilinaw niya sa presensya ng mag-asawa, hindi sila nagtungo sa kanyang shop para ibenta ang jersey ng anak priced at P25M.Ikinagulat nga daw ni Boss Toyo nang malamang “not for sale” ‘yon.Bagkus anang negosyante, idinoneyt ng mag-asawang Rovelyn at Rene Sr. ang jersey ng yumaong anak.Ani Rovelyn, ‘yun daw ang jersey na personal na pinili ni Boss Toyo para ilagay sa kanyang museum: “Ibinigay ko ‘yon nang kusa nangwalang kapalit.”‘Yun ay sa kundisyong aalagaan ni Boss Toyo nang mabuti ang jersey ni Rene.Hanga naman si Boss Toyo at misis niyang si Loves Jhoy sa mag-asawang Baterbonia sa pagpapalaki ng mga ito kay Rene.Hindi nga daw sukat akalain ni Rovelyn ang lilikhaing impact ng anak noong pumanaw ito.Matatandaang June 8 noong malunod at masawi si Rene sa isinasagawang team building ng kanilang koponan sa Dipaculao, Aurora. Ronnie Carrasco III