MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang mga overseas Filipino workers (OFW) na pumili ng lehitimong consolidators at forwarders abroad upang hindi matengga ang kanilang mga ipinapadala ng balikbayan boxes ngayong Kapaskuhan.
Ito ay matapos sabihin ni Nepomuceno sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay na naipadala na nila door-to-door ang mga inabandonang 42 boxes na aniya ay ang BOC din ang sinisisi ng pamilya ng mga OFWs.
Payo pa ni Nepomuceno sa pamilya at mga OFWs na piliin ang mga consolidators.
Aniya, maaari nilang tignan sa official site ng customs ang listahan ng mga idinemanda ng ahensya upang huwag na doon magpadala ng balik bayan boxes o parcels.
Sa ngayon kasi aniya ay mayroon na namang 17 containers na mga balik bayan boxes na pareho ang comsolidators at deconsilidators tulad ng mga naunang nag-abandona sa mga boxes sa BOC.
“In fact as of today, meron na namang 17 containers na the same consolidators at de consolidators —problema na naman namin yun,” pahayag ni Nepomuceno.







