Home NATIONWIDE DOH nagpayo ng mga mabisang kaining prutas sa panahon ng El Nino

DOH nagpayo ng mga mabisang kaining prutas sa panahon ng El Nino

2
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na kumain ng mga prutas na mabisang panlaban sa dehydration sa panahon ng El Nino.

Sinabi ng DOH na hindi lang tubig ang nawawala sa katawan kapag pinagpapawisan kundi pati electrolytes.

Ayon sa DOH, uminom at kumain ng mga pagkaing natural source ng electrolytes upang mapalitan ang nawawalang tubig sa katawan at makatulong sa tamang hydration.

Ilan lamang sa mga prutas na maaaring kainin o inumin ang buko juice, pakwan, tubig na may kalamansi o lemon, saging, orange at singkamas.

Ayon sa DOH, ang El Nino ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko.

Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here