Home NATIONWIDE Negosyanteng may dalang baril sa walwalan dinampot ng mga parak sa Bulacan

Negosyanteng may dalang baril sa walwalan dinampot ng mga parak sa Bulacan

4
0

Bulacan – Arestado ng mga nagrorondang pulis ang isang lalaking lasing na umano’y may baril sa bayan ng Calumpit nitong hating gabi ng Oktubre 14.

Sa ulat ni PLTCOL Leo Estorque Jr, hepe ng Calumpit police station, kinilala ang suspek na si alyas “Gani”, 31, negosyante, residente ng Brgy. Poblacion.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na nagpapatrulya mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo ng mga lalaking umiinom ng alak sa nasabing lugar na may isang nakasukbit ng baril.

Nang manataan at usisain ng pulisya ay bigo ang suspek na maipakita ang mga kaukulang dokumento ng dala nitong baril na 9MM na may 15 bala.

Dahil dito, inaresto ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act. No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nakakulong na sa Calumpit custodial facilities. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here