Home ENTERTAINMENT Pops, aminadong pangarap ang makasama si Sharon sa concert!

Pops, aminadong pangarap ang makasama si Sharon sa concert!

1
0

Manila, Philippines – Natutuwa si Pops Fernandez sa sobrang suporta at pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng kanyang mga faney mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang singing career at hanggang ngayon, na may edad na siya.

Kapag nalalaman ng mga tagahanga niya na naka-base na sa ibang bansa na may concert siya sa ‘Pinas ay umuuwi ang mga ito sa ating bansa para lang mapanood siya.

Kesehodang gumastos ang mga ito sa airfare ay wapakels sila maipakita lang ang suporta nila sa kanilang idolo.

Sabi ni Pops, “May mga fans po ako na ‘pag nalaman nila na meron akong concert, nag-iipon po talaga sila, umuuwi pa sila ng Pilipinas.

“Parati kong sinasabi, abangan ninyo na lang sa America, mas mura dyan, kasi nandiyan na kayo.

“No, they wanna be the first to experience a Pops concert. ‘Yun ang nakaka-touch. Sobra akong grateful.”

Nang matanong si Pops kung ano ang dream concert niya, ang sagot niya ay ang makasama si Sharon Cuneta.

“Nag-guest na siya sa concert ko, nag-guest na rin ako sa concert niya. Pero ‘yung back to back concert, wala pa.

“Kinakapatid ko si ate Shawie, kasi inaanak ako ni Ninang Helen (Gamboa Sotto- tita ni Sharon)

“So, lahat ng mga children party noong araw, nu’ng super baby pa kami, magkakasama na kami.

“Ate Shawie, ayan na, nagpaparinig na ako sa ‘yo,” natatawang sabi pa ng tinaguriang Concert Queen.

Nakausap namin si Pops sa mediacon para sa upcoming concert niya na simply titled Pops, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa November 26. Produced ito ng Echo Jham Entertainment Production ni Miss Mhae Sarenas.

Special guests niya rito ang dating mister na si Martin Nieverra, Vina Morales, Erik Santos, Jay Durias, Regine Velasquez, at ang kanyang ninang Helen.

“I wanted to work with the people I’m very close to. Mga special sa buhay ko.

“Si Vina is a good friend of mine, and I realized magkaibigan kami pero never pa talaga kaming nag-show together.

“Na-produce ko na si Vina ng show but onstage, we never performed together. Dream ko ‘yan, makatrabaho si Vina.

“Of course, si Erik Santos. I love him dearly. Jay Durias, I’m looking forward to working with Jay, and of course, Regine, I love Regine.

“I have to say that I’ve been such a big part of Regine Velasquez as far as her discovery is concerned.

“And of course, Martin Nievera. And ito po, super-super special. Isa pa po ito sa never ko naka-perform onstage, and I figured why not?

“Siya naman po ang isa sa nag-discover sa akin. Of course, Miss Helen Gamboa-Sotto so that’s gonna be a special number.

“We also have surprise guests, pero siyempre hindi namin sasabihin kasi nga surprise,” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here