Home NATIONWIDE Medical leave ni Legarda, extended

Medical leave ni Legarda, extended

3
0

MANILA, Philippines – Naghain ng extension para sa medical leave si Senador Loren Legarda, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug nitong Miyerkules, Oktubre 14.

Ayon kay Bantug, wala pang abiso si Legarda para sa kanyang pagdalo sa Senado sa nalalabing araw ng Oktubre at Nobyembre.

Matatandaan na mula Agosto 3 ay naka-medical leave na si Legarda.

Huli siyang nakita sa plenary session ng Senado noong Hulyo 29.

Kasalukuyang naka-adjourn ang sesyon sa Senado at magbabalik sa Nobyembre 9.

Ayon sa tagapagsalita ni Legarda na si Atty. Tony La ViƱa, ang senador ay sumasailalim sa medical treatment sa France para sa lung at autoimmune condition at nangangailangan ng pahinga dahil lumalala ang kondisyon nito kapag nai-stress o may tensyon.

Matatandaan na nahaharap sa reklamong plunder at graft si Legarda at anak nitong si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay sa bigong pagbibigay ng renewable energy firm ni Leviste ng solar power batay sa mandato sa congressional franchise nito.

Ani Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, kasama sa kaso si Legarda dahil nakakuha si Leviste ng prangkisa habang Senate Finance chair pa noong 2019 ang senador.

Itinanggi naman ni Legarda ang alegasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here