MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagdalo ni United States President Donald Trump sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila sa Nobyembre.
“It is confirmed, pero iyong details ay hindi po manggagaling sa akin,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Nauna rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang special (non-working) days sa National Capital Region ang Nobyembre 16 hanggang 18 para bigyang daan ang gaganaping 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits.
Matatandaang, huling bumisita si Trump sa Pilipinas noong Nobyembre 12–14, 2017, para dumalo sa 31st ASEAN Summit Meeting sa Manila sa panahon ng kanyang first presidential term.
Una namang nagpulong sina Pangulong Marcos at Trump nang face-to-face sa White House sa Washington, D.C., noong Hulyo 22, 2025, para pag-usapan ang bilateral relations, defense cooperation, at trade.
Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng telephone conversation ang dalawang lider noong Hulyo 23, 2026, kung saan pinag-usapan nila ang economic developments at regional security concerns, kabilang na ang South China Sea. KRIS JOSE