Home HOME BANNER STORY 51% ng mga Pinoy nais na humarap personal si VP Sara sa...

51% ng mga Pinoy nais na humarap personal si VP Sara sa impeachment trial – sarbey

3
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG 51% ng mga Filipino ang nagnanais na personal na tumestigo si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial laban sa kanya.

Ito ay batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong September 17 hanggang 24.

Lumitaw sa survey na 51% ng mga respondents ang nagsabing nais nilang sumalang sa witness stand si VP Sara habang 34% ang nagsabing hindi siya dapat tumestigo.

May 14% naman ng mga respondent ang undecided at 1% ang tumangging sumagot.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adults sa buong bansa.

Sa ulat, pinakamataas ang suporta na personal na humarap si VP Sara sa Metro Manila na may 66%, sinundan ng nalalabing bahagi ng Luzon na may 61%.

Sa socioeconomic classes, 56% ng mga respondents sa Class ABC at 5% naman sa Class D ang nagsabi na dapat siyang tumestigo.

Sa kaibahan, 61% ng mga respondents sa Mindanao ang nagsabi na si VP Sara ay dapat na hindi na personal na tumestigo habang 45% naman sa Visayas ang nagbahagi ng kaparehong pananaw.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews na may 2,400 respondents na may edad na 18 at pataas sa buong bansa. Mayroon itong margin of error na plus o minus 2 percentage points sa 95% confidence level. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here