Home ENTERTAINMENT Kira, umalma sa paratang ng JMFyang!

Kira, umalma sa paratang ng JMFyang!

4
0

Manila, Philippines – Naging maugong na usapan ang mga sikretong binuksan ng tambalang JMFyang nina JM Ibarra at Fyang Smith nang maging panauhin sila sa isang show.

Tulad ng Pandora’s box, naging paborito itong topic na pagpiyestahan ng mga katikatera at sawsawera.

Ayon kasi sa salaysay ni Fyang, may isang babaeng nagyaya kay JM sa isang event para umakyat sa kwarto nito.

Sa kanyang pa-blind item, nagbigay pa ng clue ang kontrobersyal na aktres tungkol sa girl na bet umanong ahasin ang kanyang partner.

Aniya, nangyari umano ito sa unang pagdalo nila ni JM sa ABS-CBN Ball.

Sey pa niya, Inglesera raw si girl at taga-Kapamilya network.

Saad pa niya, aware raw siya sa nangyari dahil sinabi ito sa kanya ni JM.

Bagama’t wala namang binanggit na pangalan sina Fyang at JM kung sino ang babaeng kanilang tinutukoy, nagkanya-kanyang hula ang netizens.

Isa sa mga pangalang lumutang online ay ang name ni Kira Balinger.

Recently, nagbigay naman ng pahayag ang kampo ni Kira hinggil sa isyu.

Tinumbok nito ang malisyosong blind item na kumalat tungkol sa leading man ng isang popular love team na inimbitahan umano ng isang aktres sa kanyang kwarto sa isang hotel.

Tahasan nitong itinangi na si Kira ang nasabing girl na pinagpipiyestahan ngayon ng mga marisol.

Ang statement ay nirepost din ni Kira sa kanyang socmed account.

May nakakaintriga pa itong caption na: “Afam po ang type ko [heart emoji].”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang naturang development nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanilang hirit.

“Sey mo, JMFyang, afam ang type ni Kira.”

“Kung afam, it must be Josh Ford. Hahaha.”

“Matuk mo iyan,JM. American size ang type ni Kira.”

“Hahaha, sino kaya ang mas daks kina JM at Josh?”

“True. Napanood mo ba ang vlog ng KiSh sa Hongkong. Galawang magdyowa na sila.”

“Sobra namang GGSS si JM.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here