Home METRO Ama na susundo sa anak, nakursunadahan, tinaakan sa leeg

Ama na susundo sa anak, nakursunadahan, tinaakan sa leeg

5
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 62-anyos na ama matapos saksakin sa leeg ng isang hindi pa natutukoy na salarin habang nagtungo upang sunduin ang kanyang anak sa Urdaneta City, Pangasinan.

Naganap ang insidente madaling araw ng Martes, Oktubre 13, sa Barangay San Vicente.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa nasabing lugar upang sunduin ang kanyang anak nang bigla siyang atakihin.

Ayon kay Police Major Jesus Tambalo, deputy chief ng Urdaneta Police Station, posibleng nakursunadahan lamang ang biktima ng salarin.

Isang saksak sa leeg ang tinamo ng lalaki at idineklara siyang dead on arrival nang isugod sa ospital.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa salarin upang mapanagot sa pagkamatay ng biktima.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng nasawi, habang hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng pananaksak. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here