Home NATIONWIDE SALN ni Paolo Duterte, susuriin din ng NBI

SALN ni Paolo Duterte, susuriin din ng NBI

1
0

DAVAO CITY, Philippines – Susuriin din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes.

Sinabi ito ni Matibag matapos banggitin na natukoy ng NBI na pag-aari umano ni Duterte ang isang mansiyon malapit sa isang resort sa Samal Island, Davao del Norte. Nilinaw niyang ang mansiyon, at hindi ang resort, ang tinutukoy.

Itinanggi naman ng kongresista na pag-aari niya ang nasabing ari-arian.

“We have to check on that, kung ano yung nasa SALN niya,” ani Matibag nang tanungin kung titingnan din ng NBI ang mga natuklasan ng Office of the Ombudsman tungkol sa SALN ni Duterte.

“Pero tinatanggi naman niya na sa kaniya yun kasi wala pang TCT (Transfer Certificate of Title), kaya siguro pwede pang itanggi dahil wala pang titulo,” dagdag niya.

Noong Martes, ini-refer ng NBI sa Office of the Ombudsman ang natuklasan nitong umano’y pagkakaiba sa SALN ni Vice President Sara Duterte, kapatid ng kongresista. Saklaw ng ulat ang SALN ng bise presidente mula 2024 hanggang 2025, kabilang ang 22 titulo ng lupa para sa 14 na ari-ariang nakasaad sa kanyang SALN.

Ayon kay Matibag, nakatuon ang imbestigasyon sa isang ari-arian sa Catigan, Davao City na umano’y pag-aari ng bise presidente at idineklarang lupang agrikultural na nagkakahalaga lamang ng P890,000. Gayunman, tinaya ng mga NBI agent ang halaga nito sa P50 milyon hanggang P60 milyon.

Itinanggi rin ni Sara Duterte na pag-aari niya ang naturang ari-arian. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here