Home NATIONWIDE Halos pantay na presyo ng coal, fuel, pinaiimbestigahan ni Sen. Erwin

Halos pantay na presyo ng coal, fuel, pinaiimbestigahan ni Sen. Erwin

1
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo kung bakit halos magkapantay na ang presyo ng coal at fuel sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na nakaaapekto sa singil sa kuryente.

Ayon kay Tulfo, nauunawaan niya ang pagtaas ng presyo ng fuel dahil sa krisis sa Middle East at digmaan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Gayunman, nagtataka ang senador kung bakit halos humahabol na rin sa presyo ng fuel ang coal sa WESM, na aniya ay hindi katanggap-tanggap.

Dahil dito, hinimok ni Tulfo ang Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan ang usapin dahil maaari itong makaapekto sa pagtaas ng presyo ng kuryente.

Paliwanag naman ng ERC, tumataas ang presyo ng coal dahil inaangkat ito mula sa ibang bansa at humihina ang halaga ng piso kumpara sa dolyar. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here