Home METRO Cleanup ops para sa darating na ASEAN Summit, pinaigting ng Pasay LGU

Cleanup ops para sa darating na ASEAN Summit, pinaigting ng Pasay LGU

5
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang mga operasyon sa paglilinis at pagsasaayos ng mga kalsada bilang paghahanda sa ASEAN Summit na gaganapin sa Nobyembre 16 hanggang 18 kabilang ang pag-aalis ng mga ilegal na istruktura at nagkalat na basura sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nagsasagawa ng clearing operations ang pangkat ng Barangay Road Clearing Operation (BARCO) ng lungsod sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Gil Puyat Avenue, Macapagal Boulevard, at Diokno Boulevard upang alisin ang mga sagabal at matiyak na malayang magagamit ng mga pedestrian ang mga bangketa.

Ayon kay Calixto-Rubiano, layunin ng hakbang na mapanatili ang kaayusan at kalinisan habang naghahanda ang Metro Manila sa pagtanggap sa mga delegado at bisita.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na nakatuon din ang mga operasyon ng BARCO sa lugar ng Manila Bay, kung saan matatagpuan ang mga hotel at sentrong pangkomersiyo na inaasahang tatanggap sa mga panauhin ng summit.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsasagawa ng clearing at cleanup operations ng mga pangkat ng BARCO habang papalapit ang panrehiyong pagtitipon. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here